DU30 ‘DI NA BIBISITA SA KUWAIT; HUSTISYA SA PINATAY NA PINAY OFW, TINIYAK 

DUTERTE66

(NI NOEL ABUEL)

KINUMPIRMA ni Senador Christopher Bong Go na hindi na bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait kasunod ng brutal na pagkamatay ng isang Pinay workers sa kamay ng kanyang amo.

Kasabay nito, tiniyak din ni Go na matatanggap ng pamilya ng isang Pinay domestic worker ang hustiya sa sinapit nitong kamatayan sa kamay ng Kuwaiti employer.

Sinabi ni Go na isusulong nito ang pagkamit  ng katarungan para kay Jeanelyn Padernal Villavende at tutulong din para mapabilis ang pagpapauwi sa mga labi nito sa kanyang pamilya.

Kasabay nito, kinondena ni Go ang pagpatay sa isa na namang Pinay domestic worker sa Kuwait.

Sinabi ng senador na nakalulungkot isipin na kinakailangang magsakripisyong lumayo ang ilang mga Pinoy sa kanilang pamilya para kumita ng subalit mas nakakalungkot na marami rin ang inaabuso habang ang iba ay humahantong pa sa kanilang kamatayan.

Ayon kay  Go, taong 2018 pa nilagdaan ang labor agreement sa pagitan ng pamahalaan ng  Pilipinas at Kuwait ngunit  sa kabila nito ay marami pa rin ang napapaulat na pag-abuso sa mga manggagawang Pinoy.

Binigyang diin nito na hindi ito papayag na may mga naaaping kababayan  at lalong hindi umano ito papayag na hindi mabigyan ng  hustisya ang mga ito.

 

276

Related posts

Leave a Comment