DU30 ‘DI PAPAYAG; LANGIS SA WPS ‘DI MASOSOLO NG CHINA

(NI BETH JULIAN)

HINDING-hindi papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na masolo lamang ng China ang langis sa West Philippine Sea (WPS).

Iginiit ng Pangulo na kapag  sinimulang halukayin ng China ang langis sa WPS ay muli  niyang igigiit na pag-aari ng Pilipinas ang naturang lugar.

Pero nilinaw naman ng Pangulo na bukas siya sa ‘all aiding’ pero kailangan magkaroon ng 60-40 sharing pabor sa Pilipinas.

Katwiran ng Pangulo, wala rin namang kapital ang bansa para makapag-invest sa pagmimina ng langis sa WPS maliban pa sa walang teknolohiyang taglay ang Pilipinas para gawin ito.

Paliwanag pa ng Pangulo, may tamang oras para igiit ng Pilipinas ang pag-angkin sa disputed territory at posibleng mangyari ito isang taon bago matapos ang kanyang termino bilang Pangulo ng bansa.

180

Related posts

Leave a Comment