DU30 DISMAYADO SA PARTYLIST SYSTEM

partylist12

(NI BETH JULIAN)

DISMAYADO si Pangulong Rodrigo Duterte sa umiiral na party list system sa bansa

Masama o evil ang pagsasalarawan ni Pangulong Duterte sa Partylist system.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa dinaluhang oathtaking ceremony ng mga bagong halal na lokal na opisyal sa isang lugar.

Ayon sa Pangulo, ang mga nasa likod o mga sangkot sa pagtakbo ng partylist group ay pawang mga datu o mayayaman.

Sinabi ng Pangulo na pinopondohan ng mga mayayamang indibidwal ang mga partylist group at ipinapangalan lamang sa mga obrero o laborer.

Pero ang katotohanan ay mayayaman din ang nauupo sa puwesto sa kalaunan kaya’t napananatili nila ang sarili sa kapangyarihan.

Inihalimbawa ng Pangulo ang isang partylist group na nanalo sa katatapos na 2019 elections kung saan ang mga taong nasa likod nito ay dawit sa mga police generals na nasa narcolist.

Pero hindi na tinukoy pa ng Pangulo ang pangalan ng nasabing partylist.

 

138

Related posts

Leave a Comment