(NI BETH JULIAN)
MADALING utusan at mabilis umaksiyon.
Ito ang basehan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya nais niyang isang militar ang iupo bilang bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA).
Sa pahayag, sinabi ng Pangulo na sa ngayon ay naghahanap na siya kung sino ang ipapalit sa puwesto kapalit ni dating Agriculture secretary Manny Pinol.
Giit ng Pangulo na mas kampante siya kung dating militar ang iuupo niya sa kanyang Gabinete, gaya ng iba pang miyembro ng Gabinete na pawang mga retired generals.
“I’m scouting around. I feel maybe again a military man. Kasi madali mag-utos, magtrabaho. Pinol is a very good Cabinet member. Ang problema, wala akong tao, there’s nobody on my side talking to the BARRM to make the necessary arrangements for this entity to grow and their needs,” paliwanag ng Pangulo.
Si Pinol ay magsisilbing tulay ng pamahalaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para mabilis na maiparating ang mga pangangailangan nito at para sa mabilis na pag-usad ng rehiyon.
Dito ay kinikilala ng Pangulo ang kakayahan ni Pinol para tumulong sa pagbangon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
128