(NI BETH JULIAN)
NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na makausap nang personal ang mga guro kaugnay ng planong pagdaragdag sa kanilang suweldo.
Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na aalamin niya sa Pangulo ang schedule ng dayalogo sa mga guro.
Ayon kay Panelo, kasalukuyang inaaral ng economic team ng Malakanyang kung saan huhugutin ang pondo para sa salary increase ng mga guro sa buong bansa.
Sagot ito ng Malacanang sa panawagan ng grupo ng mga guro na panahon na para dagdagan ang kanilang suweldo.
Magugunitang mismong si Duterte ang nangako na pagkatapos taasan ang sahod ng mga sundalo at pulis ay isusunod ang mga guro.
113