DU30 SA COA: SISTEMA SA AUDIT, SIMPLEHAN

duterte12

(NI BETH JULIAN)

IPAKIKIUSAP ni Pangulong Rodrigo Roa Dutrerte sa Commission on Audit (COA) na simplehan ang kanilang sistema sa pag-audit sa mga gastos ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, dapat gawing simple ng COA ang kanilang proseso dahil kung minsan ay nagiging dahilan ng delay sa mga proyekto ang paghihigpit ng ahensiya.

“I’d like to talk to COA. I’d like to put myself maybe not kneeling down but pleading, ‘Sir…’Marami naman kasing nako-convict or disallowance na — Article in relation to Circular — plus the another circular then you come up with a wrongdoing and disallowance. So can’t you make it simple and for us to move? Hindi kasi pwede ‘yang ganun eh. The delay is really in the — the gridlock is the — the monkey wrench if you may, nandiyan dito sa baba,” ayon sa Pangulo.

Nais din ng Pangulo na alisin na ang bidding system sa mga ginagawang proyekto dahil pinagmumulan ito ng korupsyon at subukan ang Swiss Challenge sa mga proyekto ng gobyerno para mabawasan ang katiwalian sa gobyerno.

“You really want corruption stopped? I-Swiss challenge mo na lang. I-shortcut mo ‘yung procedure. Bidding at — walang katapusan ang corruption. Ang COA should realize it by now because it has been happening since the birth of this Republic. Ayaw lang natin tingnan eh. Because COA is the simplest way of maybe sabihin mo avoiding corruption. Marami pang paraan. If I were you, I will just suggest… You can do it — you amend the Constitution, change it altogether if you want,” wika ng Pangulo.

Magugunitang nadismaya ang Pangulo sa COA dahil naaantala ang mga proyektong dapat napakikinabangan na ng mga Filipino at nagbanta ito na ihuhulog sa hagdan sa kapitolyo sa Ilocos ang kinatawan ng COA noong kasagsagan ng isang malakas na bagyo na pumasok sa bansa noong nakalipas na taon.

Nakatatanggap din ang Pangulo ng mga sumbong na maraming taga-gobyerno ang nakakasuhan ng COA dahil sa teknikalidad sa paggamit sa pondo ng gobyerno o iniisyuhan ng notice of disallowances.

 

119

Related posts

Leave a Comment