DU30 SA DRUG LORDS: HIHIRAP ANG BUHAY N’YO SA AKIN!

duterte123

(NI BETH JULIAN)

MATAPOS ibunyag ang 46 pangalan ng mga politiko sa narco list, siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging mahirap ang buhay ng mga drug lords at drug pushers sa bansa habang siya pa ang nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas.

Matapang na inihayag ng Pangulo na titiyakin niyang magiging impiyerno ang buhay ng mga drug traffickers sa bansa hanggang siya ang nanunungkulan bilang Pangulo ng bansa.

Miyerkoles ng gabi nang ianunsyo ni Pangulong Duterte ang mga pangalan ng ilang pulitikong sangkot sa ilegal na droga mula sa iba’t bang bahagi ng bansa na nakapaloob sa narco list nito.

Dito, sinabi ng Pangulo na hindi maiwasan na pumasok sa kalakaran ng ilegal na droga dahil  malaking halaga ng pera ang dahilan

“Kahit anong bigat ng mga parusa ay patuloy na kinakapitan ng mga tao, malaki kasi ang pera dyan. Kaya kahit alam nila na  kahit masunog pa siya sa impiyerno ay hindi niya ititigil ang kanyang kampanya laban sa ilegal na droga,” sabi ng Pangulo.

 

8

Related posts

Leave a Comment