DUTERTE GOV’T ‘DI LUSOT SA ICC ANG EXTRAJUDICIAL KILLINGS

ejk1

(NI BERNARD TAGUINOD)

WALANG epekto sa International Criminal Court (ICC) ang pagbabalewala ng Palasyo ng Malacanang sa gagawing imbestigasyon sa Extrajudicial Killings (EJK) sa Pilipinas sa gitna ng giyera kontra ilegal na droga.

Kasabay nito, umapela din si Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa mga nasa kilod ng EJK na itigil na ang kanilang ginagawa dahil hindi lamang si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanganganib na maparusahan ng ICC kundi ang mga ito.

Ayon kay Alejano, kahit nagwithdraw na ang Pilipinas sa ICC ay wala pa ring epekto ito sa ICC dahil base aniya sa Article 127 ng Rome of Statue, hindi ligtas ang isang bbansa sa sa kanilang obligasyon kahit nagwithdraw na ito sa kanilang membership sa ICC.

“Even the country’s withdrawal from the ICC will not spare it from the clutches of justice once the war on drugs, which have claimed thousands of Filipino lives, is proven to be a crime against humanity,” ani Alejano.

Isa si Alejano sa mga complainant sa ICC laban kay Duterte at nakatanggap na umano ito ng abiso na anumang araw ay sisimulan na ang imbestigasyon sa war on drug sa Pilipinas.

Umapela din ang mambabatas sa mga law enforcement agencies na makipagtulungan sa ICC sa sandaling masimulan na ang imbestigasyon at hindi umano dapat umiral sa mga ito ang partisanship at sa halip ay gawin ang kanilang mandato na pagsilbihan ang mamamayan at bansa sa kabuuan.

“Wala dapat sa iisang tao ang kanilang katapatan. They must first and foremost uphold human rights, one of the pillars by which this country was founded on,” ani Alejano.

Naniniwala si Alejano na tanging sa ICC makakamit ng mga biktima ng EJK sa giyera kontra ilegal na droga ang katarungan dahil malabo umanong makuha ng mga ito sa Pilipinas habang nasa poder si Duterte.

 

 

420

Related posts

Leave a Comment