MALAKI ang posibilidad na mabuhay ang ilegal na droga sa oras na matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“I do not really say it with certainty that illegal drugs will return,” ang babala ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi.
Ang ilegal na droga aniya ay maaaring dalhin papasok ng Pilipinas ng mga negosyanteng Intsik na nago-operate sa ibang bansa.
Gayunman, tiniyak nito na walang ‘Filipino-Chinese’ ang masasangkot dito.
“Unfortunately, it leaves a bad taste in the mouth. But it’s Chinese, not the Filipino-Chinese ..behind it,” ayon kay Pangulong Duterte.
“This is outside. This is the triad operating in Laos and Afghanistan. There’s no limit to the hectares ..of land used.. for shabu [crystal meth],” anito.
Inamin ng Punong Ehekutibo ang pagkabuhay ng ilegal na droga sa kabila ng kanyang drug war, o “Oplan Tokhang” na kanyang inilunsad noong Hunyo 30, 2016.
Kaugnay nito, inatasan ni Pangulong Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang law enforcement agencies na magsumite ng report sa human rights groups at International Criminal Court (ICC) ukol sa bilang ng tonelada ng ilegal na droga na nakapasok sa bansa. (CHRISTIAN DALE)
155