DUTERTE NAKI-JAMMING SA PHILHARMONIC ORCHESTRA

jamming44

(NI ABBY MENDOZA)

MATAPOS ang kanyang mahigit isa at kalahating oras na speech at paglabas sa House Plenary ay saglit na naki-jamming kanina si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philharmonic Orchestra kung saan personal pa niya itong inimbitahan sa isang fellowship.

Nakahimpil ang orchestra sa labas lamang ng Plenary Hall at nang lumabas ang Pangulo ay dumiretso ito sa kanilang kinaroroonan at kumanta ito ng ilang bahagi ng kantang Ikaw at Moonriver.

Matapos ang jamming ay inimbitahan ng Pangulo ang grupo para sa isang fellowship. Maaari umano na habang sila ay nagdi-dinner ay magkakaroon ng kantahan o kahit na sayawan.

Inamin ng Pangulo na mula nang maging Pangulo ito ay nagbago na ang kanyang buhay at  hindi na makalabas.

“Bilib ako sa inyo, I salute you. Dinner tayo with few invited friends, tugtog kayo if you

want, dancing if you want, we can spend the night,” pahayag ng Pangulo.

Hindi pa agad umalis ang Pangulo bagkus ay pinakinggan pa nito ang pagtugtog ng orchestra ng kanyang “Ipaglalaban ko”.

Ang orchestra ay tumugtong mula alas 2:00 ng hapon hanggang sa bago magsimula ang State of the Nation Address, ang kanilang mga Tagalog songs ang siyang sumalubong sa mga bisitang dumalo sa ikaapat na SONA ng Pangulo.

 

 

296

Related posts

Leave a Comment