DUTERTE SUPORTADO SA ANTI-VAPE CAMPAIGN SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD)

SUPORTADO Suportado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anti-vape campaign dahil mapanganib umano ang bisyong ito sa kalusugan ng mga tao.

Ito ang napag-alaman kay House Speaker Allan Peter Cayetano kasunod ng kautusan ni Duterte na ipagbawal ang pag-angkat ng vape product at paggamit nito sa mga pampublikong lugar.

“We will support the President kasi anything that is a danger to health. Having said that, anything that’s a danger to health, dapat pumasok ang gobyerno,” ani  Cayetano.

“We don’t want people to get sick to fall ill etcetera,” dagdag pa ni Cayetano kaya ibibigay umano ng mga ito ang lahat ng suporta sa Pangulo sa kanyang anti-vape campaign.

Sa ngayon ay may nakahaing mga panukalang batas sa Kamara na magreregulate sa paggamit ng vape matapos mapaulat na marami na ang namatay sa Estados Unidos sa nasabing bisyo.

Sinabi naman ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na bukod sa pagreregulate sa vape products ay dapat din aniyang patawan ng buwis ang nasabing bisyo na ipinalit ng mga gumagamit dito sa sigarilyo.

“Number one I agree with the President doon sa (anti) public vaping. Talagang problema talaga yan. We should not, in any given time affect other person. Yung paninigarilyo mo, iyo lang yun. Ang bisyo mo iyo lang yun. Pag ikaw ay nakakaapekto na sa ibang tao, hindi na puwede yan,” ani Defensor

380

Related posts

Leave a Comment