DUTERTE TODO DEPENSA SA PHARMALLY AT KAY YANG

0

DINEPENSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Pharmally Pharmaceutical Corporation at si dating presidential adviser Michael Yang kasabay ng pagbatikos sa Senate inquiry hinggil sa overpriced pandemic-related medical goods.

Sa kanyang Talk to the People ngayong Sabado, sinabi ng Pangulo na handa siyang magbitiw sa puwesto kapag napatunayan na ang ginawang pagbili ng pamahalaan sa face masks at face shields ay overpriced.

“Dito ko sinabi na mag-resign ako kung may corruption diyan. Ora mismo bababa ako. COA [Commission on Audit] na nagsabi na walang anomalya sa disbursements at delivery ng items. Ano ba ang gusto ma-illicit? Ano ba ang inyong gusto?” ayon sa Chief Executive.

“Ang agenda ng blue ribbon committee is motu propio investigation. The senators kept looking for the technical and financial requirements of Pharmally. Wala naman akong pakialam diyan. Pharmally is really a Pharmally corporation sa Singapore. Doon ‘yan nag-provide ng goods and services,” aniya.

Ipinagtanggol din ni Pangulong Duterte ang kanyang dating adviser na si Michael Yang, sabay sabing natural para sa isang negosyante ang sumali sa iba’t ibang biddings.

“Itong si Michael Yang for the last 20 years negosyante ng Davao. Siya ‘yung inutusan ko initially noon when I made contacts with Chinese. Siyempre may negosyo nakikisali. Eh negosyante e. Ano magawa mo?” ani Pangulong Duterte.

“What is clear is that there was a contract, there was delivery, kumpleto lahat ng specifications at quality, quantity and all. Tapos after delivery bago pa nagbayad ang Pilipinas,” dagdag na pahayag ito.

Binansagan naman ng Pangulo ang Kongreso na “maldito” para sa paglulunsad ng imbestigasyon laban sa ginagawang paggastos ng pondo ng Department of Health (DoH) bilang pagtugon sa COVID-19 at overpriced medical goods.

“They started first with the unspent billions. Tapos sabi nila walang nakuha kasi nga unspent. But they are asking si Duque kung bakit hanggang ngayon ‘di nagastos. You do not run the DOH by legislation. ‘Yun ang problema sa kanila,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“Don’t listen to Congress. They are bullshit. Pang-istorbo lang ‘yang yawa na ‘yan,” giit pa ng Pangulo.

Samantala, maging si COA chairman Michael Aguinaldo ay nagsabi na ang audit observation ay nakatuon sa medical goods’ inventory management at hindi sa overpricing issue. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment