E-CIGARETTE, VAPE BANNED NA SA PUBLIC PLACES

vape22

(NI DAHLIA S. ANIN)

BANNED na ng Department of Health (DoH) ang paggamit ng electronic cigarette at vape sa publiko, at ang lokal na gobyerno ang maatasang manghuli ng sinumang lalabag dito.

Ayon kay DoH Undersecretary Eric Domingo, nilagdaan na ni Health Secretary Francisco Duque III ang Administrative Order 2009-0007 na kasama na ang e-cigarette at vaporizers (vape) sa smoking ban.

“Use of vapes and e cigarettes will be banned in places where smoking is prohibited,” sabi ni Duque

Magiging epektibo na ang batas na ito pagkatapos itong mailathala sa dalawang pahagan, ayon kay Undersecretary Eric Domingo.

Papayagan lamang ang paggamit ng vape at e-cigarettes sa mga designated smoking area sa ilalim ng Section 4 ng Executive Order.

Nauna nang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order 26 noong 2017, kung saan ipinagbabawal na ang paninigarilyo at ibang tobacco products sa pampublikong lugar. Maari lamang silang manigarilyo sa mga designated smoking area at open spaces na may tamang bentilasyon.

Ang parusa sa mga lalabag dito ay depende sa local ordinance na ipatutupad ng bayan o siyudad kung saan sila nahuli.

 

106

Related posts

Leave a Comment