(NI BERNARD TAGUINOD)
PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magbababa sa retirement age ng mga government employees.
Walang kahirap-hirap na lumusot ang House Bill (HB) 5508 sa botong 192 pabor at walang tumutol, kung saan maaaring magretiro sa edad 56 anyos ang mga government employees.
Sa kasalukuyan, 60 anyos ang early retirement age ng mga government employees at 65 anyos naman ang mandatory retirement.
Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, isa sa mga may akda sa nasabing panukala, kabilang ang mga public school teachers ang sumusuporta sa nasabing panukala.
Nais umano ng mga government employees na makapaghinga agad sa kanilang trabaho upang ma-enjoy ng mga ito ang kanilang retirement benefits at hindi mapupunta lang sa mga gamot at ospital.
“The extra five years this measure gives retirees equals more quality years while they are still in their 50s because by 60s and onwards, age starts to take its toll on seniors,” ayon naman kay AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin na isa sa mga may akda din sa nasabing panukala.
Maliban dito, sinabi ng mambabatas na ang maagang pagreretiro ng mga government employees ay magbibigay daan sa mga bata na makapagtrabaho sa pamahalaan.
256