EDAD 18 PATAAS PASOK SA BOOSTER

EPEKTIBO Disyembre 22, 2021, ang lahat ng adults na nasa edad 18 pataas ay puwede nang tumanggap ng single dose booster ng COVID-19 vaccine.

Inulit ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang paalala ng DOH sa kanyang public briefing.

“At least 3 months,” matapos na makatanggap ng isang indibidwal ng second dose ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac o Sputnik vaccine ay puwede nang makatanggap ng single dose booster, ani Nograles.

O kaya naman aniya ay, “at least 2 months” pagkatapos nilang makatanggap ng Janssen ay puwede na rin ang single dose booster.

Hindi naman inirerekomenda ang booster sa edad 12 hanggang 17. (CHRISTIAN DALE)

5

Related posts

Leave a Comment