POSIBLENG mas mabilis na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa second quarter sa gitna ng mas maayos na ‘state spending at pagtaas ng household consumption.’
“If you’re talking about growth rate for the second quarter, I think we’re pretty optimistic. It will be higher than the first (quarter),” ayon kay Finance Secretary Ralph G. Recto.
Sa first quarter, lumawak ang gross domestic product (GDP) sa ‘weaker-than-expected 5.7% dahil sa mas mabagal na consumption at state spending.
Sinabi ni Recto na siya ay “crossing his fingers” na ang GDP growth ay magiging mas mataas sa 6%, dahil sa ‘consumption, government spending at lower inflation.’
Target ng gobyerno ay 6-7% GDP growth ngayong taon.
Sinasabing naging magaan sa 3.7% ang headline inflation nitong buwan ng Hunyo sanhi ng mas mabagal na pagtaas sa ‘power at transport costs’ nagtapos sa apat na tuloy-tuloy na buwan ng mabilis.
Matatandaang, noong nakaraang linggo, sinabi ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio M. Balisacan na ang GDP growth sa April-to-June period ay malamang na mababa sa 6-7% target ng gobyerno.
Nakatakda namang ipalabas ng Philippine Statistics Authority ang second-quarter GDP growth data sa Agosto 8.
Sa kabilang dako, sa naging pagtataya naman ni Jonathan L. Ravelas, senior adviser ng professional service firm Reyes Tacandong & Co., ang GDP growth ay umabot sa 6.1% sa second quarter, bunsod ng infrastructure spending at recovery sa private spending.
Gayunman, inaasahan nito na ang full-year growth na 5.8% ngayong taon at 6.3% para naman sa 2025.
Samantala, sinabi ni IBON Foundation Executive Director Jose Enrique A. Africa na ang spending ng gobyerno ay lumago sa second quarter subalit malamang na humina dahil sa debt service.
“The stimulus effect of higher government spending is also diminished to the extent that these are spent on debt service or on imported materials, equipment or contractors for infrastructure projects,” ang sinabi ni Africa.
“The National Government’s debt service bill, which refers to state payments on its domestic and foreign debt, rose by 48% to P1.22 trillion in the January-to-May period from P819.53 billion a year ago,” ayon sa ulat. (CHRISTIAN DALE)
96