EL NINO IS HERE–PAGASA

nino

(NI ABBY MENDOZA)

NARARANASAN na ng bansa ang El Nino Phenomenon o ang weather pattern kung saan mas kakaunti ang mararanasang pag-ulan at mas mahaba ang dry season.

Ayo sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA) karaniwang dalawa  hanggang pitong taon bago maranasan ang El Nino at tumatagal ito ng walo hanggang 12 buwan.

Sa ngayon umano ay hindi pa full blown El Nino ang umiiral sa bansa subalit asahan umano ito paglipas ng ilang mga buwan.

Sinabi ng PAGASA ang mainit na sea surface na nagsimula noong Nobyermbre 2018 ay inaasahang magiging full blown El Nino ngayong 2019 ngunit ngayong buwan ng Pebrero ay umiiral na ang El Niño Southern Oscillation (ENSO) Alert System(ENSO) o maituturing na weak El Nino, nilinaw ng PAGASA na ang pakahulugan sa Weak El Nino ay hindi mahinag epekto bagkus nangangahulugan ito ng  laki ng kaibahan ng sea surface temperature sa CEntral at Eastern Equatorial Pacific.

Nagbabala naman ang PAGASA na kapag naging full blown na ang El Nino ay makakaranas ang bansa ng mas matagal na dry season, mas matagal na panahon ng tag ulan, kakaunting ulan, mas maalinsangan na panahon.

Una nang sinabi ng PAGASA na ilang lugar sa Luzon at Mindanao ang nakakaranas na ng tagtuyot at dry spell simula pa noong nakaraang taon at pagdating ng buwan ng Marso at Abril ay lalawak pa ang mga lugar na makakaranas din ng tag-tuyot o kawalan ng ulan sa loob ng tatlo hanggang limang buwan.

 

590

Related posts

Leave a Comment