EL NINO MINAMALIIT NG GOBYERNO?

DISMAYADO ang grupo ng mga magsasaka dahil tila minamaliit ng Department of Agriculture (DA) at National Economic Development Authority (NEDA) ang epekto ng El Niño phenomenon kaya hindi todo ang kanilang paghahanda.

Ito rin ang dahilan kaya umapela ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa publiko kasama na ang iba’t ibang sektor ng lipunan na maghanda na lang sa negatibo at mahabang epekto ng El Niño sa supply ng tubig, pagkain, enerhiya at maging sa kalusugan.

“DA undersecretary Leocadio Sebastian keeps on saying that El Nino will have a positive effect in some areas and that DA is only preparing measures in areas that will be negatively impacted by the climatic phenomenon. For its part, NEDA said El Nino would not deeply hurt the local economy,” ayon sa KMP na pinamumunuan nina Danilo Ramos at Rafael Mariano.

“How can the country be fully prepared with this kind of mindset? Dapat handa ang lahat, lalung-lalo na ang DA,” dagdag pa ng mga ito gayung ngayon pa lamang ay ramdam na ang EL Niño sa iba’t ibang lugar sa bansa bagama’t sa Agosto at Setyembre pa umano ito mananalasa sa bansa.

Base sa forecast anila, ang El Nino phenomenon ngayong taon ay mas mahaba kumpara sa nakaraan na labis na nakaapekto sa supply ng tubig, kuryente at pagkain.

Noong 1997-1998 El Nino, tumagal ito ng 13 buwan habang 19 buwan naman nanalasa noong 2014 hanggang 2016, 2018 hanggang 2019.

“The 2023 to 2024 El Nino could be calamitous to Filipinos if we are not equipped and if the government keeps slacking off. Among the main track of action and response should be to lower the vulnerabilities,” babala pa ng nasabing grupo.

Sa pahayag naman ng Malakanyang, double time na ang administrasyong Marcos sa pagtatrabaho para bawasan ang panganib at negatibong epekto ng El Niño phenomenon.

Sa three-page report ni Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Marcos Jr., sinabi nito na muling binuo ng gobyerno ang “El Niño team” sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG) kasama ang ibang member agencies.

Ang team ay inatasan na ipatupad ang mga hakbang para pagaanin ang epekto ng El Niño sa ekonomiya ng bansa, natural resources, environment, climate change, disaster response, at peace and order.

Ang muling pagbuo sa El Niño team ani GAlvez ay tugon sa naging direktiba ng Pangulo para ipatupad ang “Whole-Of-Government” and a “Whole-Of-Nation” approach para maghanda sa posibleng malawakang dry spell o panahon ng tagtuyot.

Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na tugunan ang posibleng epekto ng El Niño, sinabi ni Galvez na bibisitahin niya ang Cagayan Valley para personal na i-assess ang sitwasyon sa rehiyon bilang “one of the most likely affected” ng dry spell. (BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

108

Related posts

Leave a Comment