EMERGENCY POWER NI DU30 SA TRAFFIC, IGINIIT SA KAMARA

duterte traffic33

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL palalala na  nang palala ang problema sa trapiko sa Metro Manila kahit anong gawin ng mga otoridad, kailangan na umanong bigyan ng  emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang iginiit ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil habang tumatagal ay lumalala anila ang problema sa trapiko sa Kalakhang Maynila kahit marami nang sinubukang solusyon ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Ayon kina House Majority leader Ferdinand Martin Romualdez, House deputy speaker Raneo Abu at Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, kailangan nang ikonsidera na ibigay na ang emergency power kay Duterte para resolbahin ang problema sa trapiko.

“We are committed to help the President address the traffic problem in Metro Manila and other highly urbanized cities. Traffic congestion is now a national emergency that undermines the lives of many people, the country’s economy and our productivity,” ani Romualdez.

Ayon naman kay Abu, mas malaki ang mawawala sa taumbayan kapag nagpatuloy ang problema sa trapiko sa Metro Manila kaya hindi umano ito tutol na ibigay na sa Pangulo ang emergency power.

Magugunita na unang inihain ang panukala na bigyan ng emergency power si Duterte noong 2016 para resolbahin ang problema sa trapiko subalit hindi nagkaroon ng katuparan dahil marami ang tutol.

Ngunit, ayon kay Castelo, vice chair ng House committee on Metro Manila development, hindi na makatarungan na patuloy na maging miserable ang buhay ng mamamayan dahil sa trapik.

“I think it’s time to give the President the power he needs to put an end to our peoples’ endless daily suffering brought about by the traffic gridlock. Filipinos could no longer afford to continue living miserable lives because of this transport nightmare,” ani Castelo.

Maliban dito, maraming dayuhang negosyante na aniya ang natatakot na mamuhunan sa Pilipinas dahil lumalala ang problema sa trapiko kung saan mas maraming oras ang nasasayang sa kalsada.

 

119

Related posts

Leave a Comment