(NI NOEL ABUEL)
MABABALEWALA at posibleng muling ma-veto ang panukalang Security of Tenure Bill or Endo bill kung walang nakikitang suporta na ipinakikita si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagsasabing hindi na ito magtataka kung sa pangalawang pagkakataon ay maibasura lamang ang nasabing panukala ay dapat nang huwag nang ipagpilitan pa itong ipasa sa Kamara at sa Senado.
“We should secure Malacanang’s commitment that a new version of endo bill will not be vetoed. It will be a futile exercise to revive it without that commitment. The DOLE and NEDA should agree on one version,” ani Drilon.
Tinukoy ni Drilon Department of Labor and Employment (DoLE) at National Economic Development Authority (NEDA) na pawang may magkahiwalay na opinyon sa nasabing panukala.
Paliwanag pa nito na ipinasa ang Endo bill ng Kongreso at sinuportahan ng DOLE subalit veto ang itinugon ng Pangulo dahil sa hiwalay namang posisyon ng NEDA.
“There is a bipartisan support for the anti-endo bill, so its passage is almost a guarantee insofar as the Senate is concerned. However, the question is: will it be signed into law or will it suffer the same fate?” ayon pa sa senador.
Patunay umano nito na malamang sa hindi ay mabalewala ang Endo Bill ay dahil sa hindi kasama ito sa inisyal na listahan ng priority measures sa 18th Congress na ipinadala ng Kongreso sa Legislative Executive Development Advisory Council kamakailan.
“I am less optimistic that an endo bill is possible without Congress getting Malacanang’s full support. Let’s face it, it is the President who holds the veto pen. Therefore, it is critical that for measures as important as the endo bill that we must secure the full support of Malacanang,” dagdag pa ni Drilon.
341