EO INILABAS PARA SA MAAYOS NA DALOY NG ELEKTRISIDAD SA PILIPINAS

NAGPALABAS ang Malakanyang ng isang Executive Order (EO) para sa “consistent and reliable electricity service” para makamit ang total electrification sa Pilipinas.

Sa Executive Order 156 na inilabas ng Palasyo ng Malakanyang, target nitong makasabay ang mga lugar sa nais ng gobyerno na total electrification sa bansa.

Sa pamamagitan nito ay inaatasan ang Energy Department na tukuyin ang mga tinaguriang ‘underserved’ na mga lugar at hindi napagkakalooban ng episyenteng electricity service.

Bukod dito, inaatasan din ang district utilities na magsumite sa DOE sa loob ng 30 araw ng kanilang Comprehensive Electrification Master Plan sa kani- kanilang franchise areas.

Sa bisa ng EO 156, na nilagdaan nitong Biyernes, Disyembre 10, ay binibigyang kapangyarihan din ang Energy Department na i-reject ang isang Comprehensive Electrification Master Plan kung hindi makakaabot sa pamantayang itinakda ng gobyerno na may kinalaman sa pagbibigay ng serbisyong pang-elektrisidad.
(CHRISTIAN DALE)

43

Related posts

Leave a Comment