(NI BERNARD TAGUINOD)
MAGKAKAROON ng bagong pinuno ang Presidential Communication Operation Office (PCOO) sa katauhan ng broadcaster na si Erwin Tulfo.
Ito ang kumakalat na impormasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay ng nakatakdang appointment umano ni Tulfo bilang PCOO secretary anumang araw mula ngayon.
Ayon sa impormasyon, papalitan ni Tulfo si Secretary Martin Andanar na itatalaga naman bilang Presidential Adviser on Political Affairs.
Nabakante ang nasabing posisyon matapos magbitiw upang tumakbo sa katatapos na senatorial race si Senator-elect Francis Tolentino.
Si Tulfo ay nakababatang katapid nina dating Tourism Secretary Wanda Teo at Special Envoy to China na si Ramon Tulfo.
Noong nakaraang kampanya, si Erwin ang naging mukha ng ACT-CIS party-list na nanguna sa party-list election at magkakaroon ng tatlong kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa 18th Congress
251