ESTAFA VS. FOREIGN CONTRACTOR NG LTO

KASONG estafa ang inihain ng isang kontratistang Pinoy laban sa isang kumpanyang Aleman at mga corporate executives nito kaugnay ng nasungkit nitong kontratang bahagi ng Build-Build-Build ng administrasyong Duterte.

Sa asuntong inihain ng Verzontal sa Quezon City Prosecutors Office, inakusahan ang German firm Dermalog Identification Systems, ng pagtalikod nitong bayaran ang kontratistang Pinoy batay sa joint venture agreement na nilagdaan ng mga corporate executives sa pagitan ng dalawang kumpanya para sa DOTR Road Transportation IT Infrastructure Project (LTO Component A).

Giit ng Verzontal, isang lisensiyadong Triple A contractor base sa datos ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB), iningganyo umano silang pumasok sa isang joint venture agreement kasama ang Dermalog, Holy Family Planning Corp., at Microgenesis Software Inc. para sa programang Build-Build-Build ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bunsod ng kasunduan, naglabas umano ng salapi ang kanilang kumpanya bilang pagtupad sa kasunduan. Bukod pa sa salaping ambag sa puhunang gagamitin sa joint venture, sila din umano ang naghanda at gumawa ng civil, mechanical at electrical works ng nasabing proyekto.

Ginamit pa umano ng kontratistang Aleman ang kanilang tanggapan at iba pang pasilidad nito.

Anila, niloko umano sila ng Dermalog na inilihim ang kontratang nasungkit mula sa Land Transportation Office (LTO) noong Marso taong 2018 sa hangaring sarilihin na lamang ang proyektong ang Verzontal na gumawa ng konsepto at naghain ng mga dokumento para makuha ang kontrata.

Sa kabila pa nito, itinuloy pa din umano ng Venzontal ang obligasyon batay sa kasunduang nagbibigay sa kanila ng 25% bahagi sa proyekto.

Gayunpaman, tuluyan nang tinalikuran anila ng Dermalog ang obligasyon sa kanila matapos masungkit ang proyektong kanila umanong pinaghirapan at pinagbuhusan ng hindi birong puhunan.

“By reason of respondent Dermalog and its co respondents’ failure to disclose the true project price as accepted and approved by LTO and subsequently remit to the complainant the 25 percent share in the project price pursuant to the JVA after rendering and completing the services related to the civil, mechanical and electrical works which, as related above, had been fraudulently mispriced, the complainant is entitled to the 25% share in the project and compensatory damages,” lahad ng Verzontal sa kanilang reklamo.

Anila, binabalewala umano sila ng Dermalog sa kabila ng paulit-ulit nilang pakiusap na sila ay bayaran ayon sa kanilang nilagdaang kasunduan. (FERNAN ANGELES)

72

Related posts

Leave a Comment