EX-SEN PIMENTEL PINARANGALAN SA SENADO

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD)

BINIGYAN ng parangal at pagkilala sa Senado si dating senador Aqulino ‘Nene’ Pimentel Jr. dahil sa malaking naiambag nito sa politika sa bansa.

Sa gitna ng necrological service sa dating Senate President, ipinasa ng mga senador, sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III, ang Senate Resolution No. 168 na nagsasaad ng pagkilala kay Pimentel, kinilalang ama ng Local Government Code.

“Whereas, the Honorable Aquino ‘Nene’ Quilinging Pimentel Jr., a distinguished public servant, a fearless human rights lawyer, parliamentarian, and legislator, a staunch defender of democracy, a family-oriented and religious man, and the father of Local Government Code, passed away on  20 October 2019 at the age of 85,” ayon sa resolusyon.

“In his almost five decades of illustrious and unblemished career as a public servant, he served the government in various capacities; delegate to the 1971 Constitutional Convention representing Misamis Oriental; mayor of Cagayan de Oro City (1980-1984); Batasang Pambansa Assemblyman (1984-1986); Minister/Secretary of Local Government Presidential Adviser and Chief Negotiator with the Muslim rebels (1986-1987); Senator (1987-1992; 1998-2004; 2004-2010), Senate Majority Leader (June 3, 2002-July 23, 2002; Senate President, (November 13, 2000-June 30, 2001); Senate Minority Leader (2004-2010 and July 23, 2001-June 3, 2002); and member of the Consultative Committee to review the 1987 Constitution (2018),” base pa sa SR no. 169.

Malaki rin umano ang nagawa ni Pimentel noong 1980 na sa kabila ng walang campaign fund ay nahalal ito bilang alkalde ng Cagayan de Oro City subalit naalis ito noong 1981 nang magdesisyon ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa ‘political turncoatism’.

Sinabi naman ni Sotto na tanging si Pimentel ang politikong pumasok at umalis sa politika na  walang bahid ng anumang kontrobersya.

“Senate President Nene Pimentel, Jr.,  salamat po sa pamanang kaisipan na ngayon ko lang nabatid –  “Puede naman palang pumasok sa politika, at mamaalam ng marangal pa rin.” Paalam po,” sa pahayag ni Sotto.

Miyerkoles nang dumating sa Senado ang labi ni Pimentel sa Senado para sa necrological service kung saan dumating ang mga dati at kasalukuyang mga senador kabilang sina dating Manila Mayor Joseph Estrada, dating Senador Kit Tatad at iba pa.

 

188

Related posts

Leave a Comment