EX-SENATOR TRILLANES KINASUHAN NG KIDNAPPING

trillanes

(NI HARVEY PEREZ)

SINAMPAHAN ng kasong kidnapping with serious illegal detention  sa Department of Justice (DOJ)  si dating  senator Antonio Trillanes IV, kasama ang tatlo pang indibidwal .

Nabatid na ang  reklamo ay isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group kay Trillanes,  Fr. Albert Alejo, Atty. Jude Sabio, at isang ‘Sister Ling’, ng Convent of Cannussian Sisters, sa Makati City, at ilang iba pa matapos ireklamo ng isang  Guillermina Lalic Barrido.

Walang piyansa sa naturang kaso.

Sa affidavit ni  Barrido, sinabi nito na nakatanggap siya ng plane ticket mula kay Alejo mula  General Santos City hanggang  Manila noong 2016.

Nabatid na sinundo umano siya nina Alejo at Sabio at dinala sa  Convent of Cannussian Sisters sa Makati kung saan siya idinetine mula Disyembre 6 hanggang 21, 2016.

Kasunod nito, sinabi ni Barrido na inilipat siya sa Holy Spirit Convent ni Alejo, Sabio, Sister Ling, at umano’y staff ni Vice President Leni Robredo.

Ayon la kay Barrido, ilang beses umano siyang tinawagan ni Trillanes at sinabi na hindi siya paalisin hanggang hindi siya lumalagda ng affidavit.

“It is clear from the foregoing that herein respondents feloniously, maliciously, and intentionally put the complainant under detention for 14 days in order to force her to do something against her will,” ayon sa reklamo ng  PNP-CIDG.

Hindi umano ito ang kauna-unahang pagkakataon na inakusahan ni Bareido si Trillanes.

Noong 2017, humingi na rin ng tulong si Barrido kay  dating Justice secretary Vitaliano Aguirre II, dahil nakatatanggap umano siya ng death threat sa kampo ni Trillanes.

Inalok pa umano siya ng kampo ni Trillanes na isangkot si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpatay ng Davao Death Squad.

 

171

Related posts

Leave a Comment