(NI NOEL ABUEL)
TINITIYAK ni Senador Sherwin Gatchalian na pipilitin nitong wakasan na ang panlalamang ng mga telecommunications companies sa milyun-milyong subscribers ng mga ito sa buong bansa.
Ayon kay Gatchalian, dapat nang matigil ang hindi magandang gawain ng mga telcos na nababawasan ang mga prepaid load credits ng mga subscribers kung kaya’t isusulong nito sa Senado ang pagtanggal sa expiration period ng lahat ng denominations ng prepaid load credits.
Paliwanag ni Gatchalian, inihain nito ang Senate Bill No 365, o ang Prepaid Load Forever Act of 2019, na naglalayong ipagbawal sa lahat ng Public Telecommunications Entities (PTEs) at Information and Communications Technology (ICT) providers na magpataw ng expiration period sa validity ng mga prepaid load credits.
“This bill makes it a prohibited act to impose an expiration period on the validity of all denominations of prepaid load credits – whether purchased via prepaid card or electronic load – and the eventual forfeiture of such credits on an active prepaid account,” ayon pa sa senador.
“Every peso spent by the consumer to purchase prepaid load credits must be usable until fully consumed,” giit pa nito.
Sinabi pa ni Gatchalian na sakaling maging batas ang nasabing panukala ay mapapakinabangan ito ng nasa 142,432,163 prepaid subscribers o ng 96.6 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga mobile subscribers sa country sa unang bahagi ng taong 2019.
400