(NI BERNARD TAGUINOD)
HINDI lang pabor sa mga babae kundi sa buong bansa sa kabuuan ang family planning sa inaprubahang National Program on Family Planning ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang pahayag ni Albay Rep. Edcel Lagman na pangunahing may akda sa of Republic Act (R.A) No. 10354 o ang “Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012” na nilagdaan ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong Disyembre 2012.
Ayon kay Lagman, sa unang tingin ay para sa mga kababaihan lamang ang nasabing batas subalit sa kabuuan ay para ito sa buong bansa dahil dito magsisimula ang pag-angat sa kahirapan.
Sa ilalim ng nasabing batas, inaasahan na mababaawasan na ang bilang ng mga nanay at mga sanggol na namamatay at matitigil na ang patuloy na pagdami ng mga nagpapapapalaglag.
Maliban dito, maaari na umanong matapos ang mga kababaihan sa kanilang edukasyon na nababalam dahil sa pagdadalang-tao na wala sa panahon at maiiwasan na ang teenage pregnancies.
Subalit sa likod aniya ito, higit na makikinabang ang buong bansa dahil mababaasan ang fertility rate at paglago ng populasyon ng Pilipinas kaya maaari nang umunlad ang mga mahihirap na mag-asawa sa pamamagitan ng pagkontrol sa bilang ng kanilang mga anak.
“The program complements the government’s poverty alleviation policies and development plans because family planning and contraceptive use do not only save lives but also assures the saving of funds for economic development,” ani Lagman.
Gayunman, umaasa ang mambabatas na maimplementa ang nasabing programa sa lalong madaling panahon at ng magkaroon na ng pondo para tulungan ang mga mag-asawa sa pagkontrol sa dami ng kanilang anak.
131