FARE MATRIX NG GRAB, REREBISAHIN

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

SA GITNA ng mga reklamo ng pagtaas ng singil, iginiit ni Senador Win Gatchalian na rebisahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang fare matrix ng ride hailing na Grab.

Nanawagan din si Gatchalian sa LTFRB na tiyaking nasusunod ang regulasyon sa surge pricing.

“The high fare is killing the festive mood of many Filipino commuters. We don’t want to let Grab play the Grinch who stole Christmas from Juan de la Cruz because of high fare,” saad ni Gatchalian.

Batay sa fare matrix na inaprubahan ng LTFRB noong August 1, 2019, pinapayagan ang Transportation Network Vehicle Services (TNVS) companies na magpataw ng flag down rate na hanggang P40 para sa sedans, at hanggang up to P50 sa premium Asian utility vehicles/sport utility vehicles (SUV) habang P30 sa hatchbacks/sub-compact vehicles.

Pinapayagan din ng LTFRB ang  P15 na dagdag singil sa bawat kilometer sa sedans, P18 sa SUVs, at P13 sa hatchbacks bukod sa P2 charge sa kada minuto ng biyahe.

Maaari namang doblehin ng TNVS companies ang kanilang per kilometer at per minute charge sa surge pricing.

Kaugnay nito, pinagpapaliwanag ni Gatchalian ang Grab kung bakit nagpapatupad ng surge pricing kahit sa alanganing oras na mababa ang demand.

Isa naman sa long term solution na naisip ni Gatchalian ang pagkakaroon ng totoong kumpetisyon sa ride hailing industry upang mapilitan ang Grab na ibaba ang surge pricing nito.

“Without competition in the hail-riding industry, our poor commuters will always be at the mercy of high fares. Kaya naman sinusuportahan natin ang pagpasok ng ibang players sa industriyang ito, gaya na lamang ng TNVS GoJek, upang may pagpipilian ang ating mga commuters at hindi sila nagtitiyaga sa mataas na singil ng pamasahe ng Grab,” diin ni Gatchalian.

281

Related posts

Leave a Comment