FARMERS TUTUTOK SA REGULASYON NG RTA

dufarm

(NI LILIBETH JULIAN)

INOOBLIGA na makibahagi sa pagbabantay sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulation ng Rice Tariffication Act ang mga rice farmers.

Ito ang panghihikayat ng Malacanang sa mga magsasaka dahil mahalagang maging aktibo ang mga magsasaka sa bubuuing IRR para makita at matiyak na hindi mapapasukan ng anumang iregularidad ang pagpapatupad ng batas.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential spokesperson Secretary Salvador Panelo, kakailanganin ang mahigpit na pagbabantay ng mga magsasaka ang pagbuo ng IRR para na rin sa kanilang kapakanan.

Dito, tiniyak ni Panelo na hindi kukunsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang klase ng katiwalian sa pamahalaan at isusulong ang accountability at transparency sa mga ahensya ng gobyerno.

Matatandaan na matapos ang ganap na pagsasabatas ng sa RTA, naglabasan ang mga hinaing ng ilang mga grupo na tumututol sa bagong batas sa dahilang madedehado ang mga lokal na magsasaka dahil sa pagbaha ng mga imported na bigas sa bansa.

152

Related posts

Leave a Comment