FAST COVID-19 TEST RESULT NG CHINESE WORKERS INALMAHAN

INALMAHAN ni Senador Risa Hontiveros ang VIP treatment sa mga Chinese workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Hindi naitago ng senadora ang galit nang malaman nitong apat na araw lamang ang kailangan para makuha ang resulta ng COVID-19 test ng mga ito.

“Four days lang nakuha agad ng Chinese workers sa Fontana ang COVID-19 results nila habang marami sa mga OFW natin ay mahigit isang buwan naka-quarantine dahil wala pa ang sa kanila,” giit pa ni Hontiveros.

“Hindi tama ito. Hindi tayo 2nd class citizens sa sarili nating bansa,” dagdag niya.

Kasabay nito, kinalampag ng senadora ang Philippine Coast Guard (PSG), Department of Health (DOH) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para madaliin ang pagpapauwi sa overseas Filipino workers (OFWs).

“I call on OWWA, PCG, & DOH, ayusin natin ang bottlenecks nang mapabilis ang pagpapauwi ng mga OFW. Siguraduhin nating walang nakakalusot na VIP treatment,” pahayag ng senadora.

“This is not how we welcome OFWs back home. Let’s address these backlogs so that we can send them back to their loved ones,” aniya pa. (NOEL ABUEL)

44

Related posts

Leave a Comment