FB Live ni Cong. Arnie Teves viral na naman TEVES CARES LIVE PATOK SA NETIZENS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

MULING tinangkilik ng netizens ang panibagong Aksyon. Tulong. Solusyon FB Live ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves.

Isinagawa ito ng mambabatas sa kanyang distrito upang patuloy na maghatid ng tulong sa iba’t ibang dako ng bansa.

Nagiging bukambibig at nakakaugalian ng netizens na abangan ang FB Live ni Cong. Teves na “Teves Cares: Aksyon. Tulong. Solusyon” hindi lang para sa tsansa na manalo sa raffle nito, kundi sa natural at kagiliw-giliw na style ng kilalang matulungin na mambabatas.

Kagabi, sa FB Live nito, umani ng pasasalamat at suporta si Cong. Teves sa mga netizen na mula sa iba’t ibang panig na bansa na makikita sa kanilang matatamis na komento.

Kakaiba ang istilo ng mambabatas dahil bukod sa ang pakay niya ay makatulong, nagbibigay rin ito ng magaganda at makabuluhang payo sa mga netizen na may pinagdaraanan gaya na lang ng usapin sa pag-ibig.

Umabot ang tulong ni Cong. Arnie Teves ng Bogo City, Cebu hanggang sa Tabang, Mindanao. Sa Cebu ay tutulungan nito ang isang Purok sa Bogo City sa pamamagitan ng pagbibigay ng binhi, garden tools at “sisiw” (manok) sa mamamayan dito para sa kanilang kabuhayan.

Sa Mindanao naman, mabilis tumugon si Cong. Teves ng tulong sa Kunintem Elementary School sa Tabang na lubhang naapektuhan ng Bagyong Paeng.

Isang araw matapos maminsala ang Bagyong Paeng, agad nagpadala ng relief packs sa Calabarzon si Rep. Teves. Sa Cardona, Rizal, pinaunlakan nito ang hiling ng Parent-Teacher United

Advocates Association of the Philippines, Inc. na mabigyan ng ilang yero ang mga naliparan ng bubong at iba ay good packs bilang tulong.

Sa abot kaya ng mambabatas, nagpadala rin ito ng tulong sa ibang lugar gaya sa Gen. Trias, Cavite kung saan isang pamilya na nalunod ang 9-anyos na anak sa kasagsagan ng Bagyong Paeng ang isa sa mga benepisyaryo.

Sa Zambales, sa pakikipagtulungan sa Philippine Eagle’s Mandaragit Charter Club, nagpaabot ng ilang sakong bigas sa Aetas community ang mambabatas.

22

Related posts

Leave a Comment