FB PAGE ILULUNSAD SA UUWING LSIs SA LUZVIMINDA

INANUNSYO ni Hatid Tulong Project chief at Presidential Management Staff ASec. Joseph Encabo na ilulunsad nila ang facebook page ngayong linggo para sa mga uuwi sa probinsya.

Sa kasalukuyan ay nasa 13,000 pa ang nasa kanilang listahan na target mapauwi sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, ang LGUs ang nakatokang kumalap ng pangalan ng locally stranded individuals (LSIs) at kanila itong isusumite sa Department of Transportation (DOTr) kapag ang LSI ay estudyante habang sa Department of Labor and Employment (DoLE) kapag stranded workers at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga OFW habang sa Department of Tourism (DoT) kapag turista ang stranded.

Sa pamamagitan aniya ng kanilang ilulunsad na FB Page ay mas magiging madali ang clustering o paghahanay-hanay ng mga LSI kung sila ay uuwi sa Luzon, Visayas o Mindanao at mas magiging madali rin ang scheduling ng kanilang byahe pauwi ng mga lalawigan.

Sa pinakahuling datos ng hatid tulong project, nakapagpauwi na sila ng humigit kumulang 35,000 Locally stranded individuals. CHRISTIAN DALE

78

Related posts

Leave a Comment