FINANCIAL AID NG GOBYERNO HINDI FAKE NEWS – MALACANANG

0

UPANG matigil na ang haka-haka at pagdududa sa ayudang pinansiyal ng national government ay muling ipinaalala ng pamahalaan na ang Emergency Subsidy Program na inirekOmenda ng IATF TWG on Social Amelioration sa pamumuno ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay aprubado na.

Ayon kay IATF spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang programa ay isang outright cash benefits para sa (18) million beneficiary households, na ang range ay mula P5,000 hanggang P8,000 baSe sa regional thresholds gaya ng pinalaganap ng DSWD, DOLE, DILG, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Budget and Management (DBM), at Department of Finance (DOF) sa pamamagitan ng Joint Memorandum Circular No. 1, series of 2020.

Ani CabSec Nograles, nabanggit na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at inulit na lamang nito sa kanyang Presidential Message, Lunes ng gabi, (Abril 1) na aprubado na ang cash assistance na ibibigay sa 18 million beneficiaries nationwide.

Ang halaga aniya nito ay limang libo (5,000) hanggang walong libo (8,000) depende sa minimum wage ng rehiyon.

“Ulitin ko lang po ang sinabi ni Presidente kagabi: ang mga tulong na ito ay ibibigay ng DSWD derecho sa inyo.Tutulong po ang ating mga LGU, pero ang DSWD ang magmamando sa pagbibigay ng cash assistance na ito,” ayon kay CabSec Nograles.

Alinsunod aniya sa direktiba ng Pangulo na tiyakin na ang lahat ng financial assistance na ibibigay ng national government ay direktang mapupunta sa mga benepisaryo nito at ang “full control and supervision” sa pamamahagi ng Emergency Subsidy Program funds ay nasa DSWD.

Layon nito na siguruhin na ang mga targeted beneficiary-family lamang ang makatatanggap ng government subsidy.

Ang magiging gampanin na lamang aniya ng LGUs ay limitado sa pagtulong at pag-alalay sa pamamahagi ng subsidy, ang LGU personnel ay tutulong sa DILG na katuwang naman ng AFP at PNP.

“Gagawin po ng gobyerno na agarang maipaabot ang tulong sa inyo,” diing pahayag ni CabSec Nograles. CHRISTIAN DALE

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment