FISH KILL SA TAAL LAKE IPINAMOMONITOR NG PALASYO

tilapia12

(NI BETH JULIAN)

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyayaring fish kill sa Taal Lake sa Batangas.

Sa ulat ng Malacanang, tumaas ang sulfur sa lawa bunsod ng matinding init ng temperatura.

Dahil dito, ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, mahigpit na pinababantayan ng Pangulo ang presyo at kalidad ng mga isdang ibinebenta sa mga palengke.

Pinamomonitor din ng Presidente ang kalidad ng tubig sa Taal Lake.

Samantala, umapela naman ang Palasyo sa publiko na iwasan nang magpakalat ng maling impormasyon tungkol sa fish kill.

127

Related posts

Leave a Comment