Food security, renewable energy tinalakay PBBM NAKIPAGPULONG SA EUROPEAN ENVOYS

(CHRISTIAN DALE)

TUMUTOK sa food security, climate change at renewable energy ang ilan sa mga tinalakay ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa mga ambassador ng Spain, Morocco, at Germany sa magkakahiwalay na pulong nitong Martes ng umaga.

Nakipagkita sina Spain Ambassador to the Philippines Jorge Moragas, Germany Ambassador Anke Reiffenstuel, at Morocco Ambassador Mohammed Ride El Fassi kay Marcos Jr. sa headquarters ng huli sa Mandaluyong City.

Sa naging pagbisita, binigyang-diin ni Reiffenstuel ang nagpapatuloy na bilateral cooperation sa pagitan ng Germany at Pilipinas.

Tinukoy rin nito ang potensiyal na mas pinaigting na kooperasyon o pagtutulungan ng dalawang bansa na tugunan ang global challenges gaya ng climate change.

“I informed President-elect Marcos about the ongoing programs Germany is currently conducting in the Philippines in the framework of Germany’s international climate initiatives to address the impact of climate change here in the Philippines,” ayon kay Reiffenstuel sa isang press briefing.

“I informed him that so far, Germany has provided 25 million euros for climate change-related bilateral projects… We are currently working on another program also in the context of climate change,” dagdag na pahayag nito.

Napag-usapan din ang epekto ng Russia-Ukraine conflict sa food security, at maging ang mga paksa na may kinalaman sa trade relations, renewable energy, human rights, at maritime security.

Nitong Lunes, nag-courtesy call din kay Marcos Jr. ang mga ambassador mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kabilang na sina Brunei Darussalam Ambassador to the Philippines Johariah Wahab, Cambodia Ambassador Phan Peuv, Indonesia Ambassador Agus Widjojo, at Lao People’s Democratic Republic Ambassador Songkane Luangmuninthone.

Dumalo rin sina Singapore Ambassador Gerard Ho, Thailand Chargé d’affaires Thawat Sumitmor, at Vietnam Ambassador Hoang Huy Chung.

Related posts

Leave a Comment