FOOD SELF-SUFFICIENCY SA NEW NORMAL, ITINUTULAK NG SENADOR

Naniniwala si Senador Cynthia Villar na nalantad ang limitasyon ng suplay ng pagkain at pagkukulang sa food distribution system nang nagsimula ang pandemya ng corona virus 2019 (COVID-19) hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo.

Sa pahayag, sinabi ni Villar na dapat maipakilala at maghatid ng kaalaman ang kinauukulan sa mga Filipino hinggil sa food self-sufficiency partikular sa pamilya, sambayanan at komunidad.

“COVID-19 is an eye-opener for many people, not only in relation to our health, but the sufficiency and source of the food we eat, too. It made us realize how dependent and vulnerable we are when it comes to food. So much so that being food self-sufficient has become an important part of our life goals in the new normal,” ayon kay Villar.

Ayon kay Villar, maraming kababayan natin ang nawalan o kinapos ng pagkain nang ipatupad ng pamahalaan ang community quarantine at lockdown sa loob lamang ng isang linggo.

“The lack of food was of course due to many factors—no money due to loss of income, no access to food due to closures of nearby stores or food outlets and, movement of food supply was hampered,” aniya.

Sumang-ayon ang ilang food expert na nalantad ang lahat sa kakulangan ng suplay ng pagkain sa gitna ng pandemya, bukod pa sa humina ang food system. Dahil dito, aniya, binigyan ng pamahalaan ng prayoridad ang kakulangan ng pagkain at binago ang plano kabilang ang bawat pamilya.

Kasabay nito, ikinatuwa naman ni Villar, pangunahing nagsusulong ng urban agriculture upang maiwasan ang food poverty, na marami ang nagkaroon ng interes at nagsagawa ng urban farming sanhi ng kakapusan ng suplay ng pagkain.

“We have seen a renewed interest and enthusiasm in urban farming and backyard gardening. That’s a good indication and we should keep the momentum going. Growing food in one’s backyard is the most effective way, especially for food-poor families, to make sure that they will not go hungry during emergencies,” ayon sa mambabatas.

Ngunit, sinabi ni Villar na hindi sapat na itaguyod ang backyard gardening at pamimigay ng punla at pestisidyo. “It should not stop there, it should be supported by practical and sustainable programs and policies.”

“People get restless and angry when they get hungry. That is not unique to us Filipinos. It is human nature and universal. The expression “food is life” is very true. The right to food is a basic human right. We can empower people to grow or produce their own food as much as we can, but agriculture officials and policymakers should put in place a sustainable program to ensure that the people will not run out of food, with or without a crisis,” giit ng senador.

Ayon kay Villar, maliban sa food security, kinakailangan na ang maging pangunahing layunin ng sector ng agrikultura ay food self-sufficiency.

Sinabi nito na sa kabila ng prayoridad ng pamahalaan ang tuloy-tuloy na distribusyon ng pagkain sa bansa, nakita na sa panahon ng national emergency o pandemya, marami ang mga naging hadlang upang maisagawa ito.

“During the first few weeks of the lockdown, there were barangays and cities that run out of supply, particularly of fresh crops or produce. Most vegetables, poultry or meat come from outside urban cities, so it took some time for the supply to normalize. Even farmers complained that their crops rotted because they cannot transport them to reach the buyers,” sinabi ng senador.

Maging ang United Nations’ Food and Agriculture Organization (FAO) ay nagbabala na lalong magdudulot ng problema ang kasalukuyang problema sa mga food supply chain at lubhang makakaapekto sa lahat; mula sa mga magsasaka hanggang sa mga konsyumer at food wholesaler hanggang sa retailer.

Tinukoy nito na ang centralized food supply chain ay madaling masira ng isang national emergency gaya ng virus outbreak.

Sinabi rin ng FAO na mas mababa ang epekto ng COVID-19 crisis sa supply ng pagkain sa mga kumunidad na nagsasagawa ng integrated farming dahil napakinabangan nila ang kanilang pananim sa bakuran o bahay nang mawalan sila ng pagkakakitaan.

Bukod pa rito, naibenta nila ang iba sa kanilang mga inani, at kumita upang makabili ng iba pang pangangailangan.

Hinihimok ng UN-FAO ang mga policymaker sa buong mundo na siguruhin ang mga mahihirap ay magkaroon ng access sa masustanyang pagkain sa pamamagitan ng pagsiguro na tuloy-tuloy ang mga food-supply chain, na nangangahulugan na na-aabot ang food sufficiency at resiliency.

Sa pamamagitan din nito, masisiguro na susunod ang mamamayan na manatili sa kanilang bahay kabilang sa iba pang quarantine rules o iba pang pamamalakad na ipatutupad sa new normal. ESTONG REYES

84

Related posts

Leave a Comment