FRANCHISE NG ABS-CBN ‘DI PUWEDENG I-RENEW

PASO na ang prangkisa ng ABS-CBN kaya walang dapat i-renew.

Ito ang lumalabas sa joint hearing ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability noong nakaraang linggo sa prangkisa ng nasabing network.

Sa nasabing pagdinig, tinanong ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang ABS-CBN kung ang ‘nature’ ng kanilang application ay renewal o ‘new application” upang hindi maubos ang oras ng mga kongresista sa pagdedebate sa bagay na ito.

Sinabi ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, isa ito sa mga dahilan kung bakit inihain nito ang House Bill (HB) 6694 para gawing ‘new application” at hindi renewal ang prangkisa ng nasabing network dahil napasok na ang prangkisa ng mga ito noong Mayo 4.

“Precisely I haved filed new bill, 6694 to grant a new 25 years franchise to ABS-CBN because its a fact that the franchise of ABS-CBN expired last May 4, midnight,” paliwanag ni Rodriguez.

Dahil dito, sinuportahan ni Rodriguez ang mungkahi ni Palawan Rep. Franz Alvarez, chairman ng franchise committee na i-convert na ang 11 bills na pawang nagsusulong ng renewal sa prangkisa ng network sa ‘new application’.

“We cannot anymore talk about renewal when there’s already an expiration of the franchise,” ayon pa kay Rodriguez na isa sa mga supporter ng nasabing network.

Dahil dito, pinayuhan ni House deputy majority leader Boying Remulla ang mga may-akda sa mga ABS-CBN renewal bills na muling maghain ng panukala at gawin itong ‘new franchise” upang hindi umano malabag ang House Rules.

Pero, ayon kay House majority leader Martin Romualdez, maaari na itong idaan sa isang substitute bill upang isama na ang mga renewal bills sa “new franchise” bill ni Rodriguez. BERNARD TAGUINOD

56

Related posts

Leave a Comment