FRANCHISE TAX NG POGO, GAMITIN SA COVID-19

HINIMOK ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang gobyerno na gamitin sa pakikipaglaban sa COVID-19 ang 5% franchise tax sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ipinaliwanag ni Drilon na nahaharap na ang bansa sa kakapusan ng pondo para sa stimulus measures at nangangailangan na ng dagdag na pagkukunan upang mapondohan ang mga ayudang ibibigay sa mamamayan.

Iginiit ng senador na malaking tulong ang 5% franchise tax para sa COVID-19 programs at iba pang aktibidad.

Una nang inihayag ng economic managers na aabot na lamang sa P130 billion ang maaaring ipondo sa COVID-19 activities.

Sa pagdinig sa Senado, nakumpirma na may P50 bilyon pang utang ang POGO sa kanilang mga buwis.

“If POGOs pay this huge amount, it could go a long way in our effort to alleviate the plight of the poor heavily affected by the pandemic,” saad ni Drilon.

Kung hindi anya magbabayad ang mga ito, dapat magpalabas na ang Bureau of Internal Revenue ng closure order sa mga delingkwenteng kumpanya. DANG SAMSON-GARCIA

76

Related posts

Leave a Comment