“FRASCO FIASCO” SISILIPIN SA KAMARA

HINDI mapalalampas ng mga militanteng mambabatas ang anila’y “Frasco Fiasco” sa Department of Tourism (DOT) kaya nagpatawag ang mga ito ng imbestigasyon upang alamin ang naging papel ng isang personalidad sa sablay na slogan at promotional campaign ng ahensya.

Sa inihahandang resolusyon ng Makabayan bloc, inaatasan ng mga ito ang House committee on tourism at committee on good government and public accountability na magsagawa ng joint investigation lalo na’t hindi lamang ang kinabukasan ng turismo sa bansa ang nalagay sa alanganin kundi pera ng bayan ang ginastos dito.

“It is imperative that we shed light on this ‘Frasco fiasco’ to ensure that public funds are being utilized appropriately and that there is no undue influence from individuals associated with the Marcos regime,” pahayag ni ACT party-list Rep. France Castro.

Ang tinutukoy na “frasco” ay si DOT Secretary Christina Frasco subalit hindi lang ito ang nais nilang ipatawag kundi ang isang personalidad na may matinding koneksyon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na sangkot umano sa nasabing proyekto.

“Such reports (na pinapelan ng isang personalidad ang DOT campaign slogan at promotional video) raise questions about the intentions and potential conflicts of interest surrounding the implementation of the DOT’s branding campaign,” ani Castro.

Walang binanggit na pangalan si Castro kung sino ang personalidad na ito subalit nauna nang kumalat sa social media na nasasangkot ang pangalan ni Presidential creative communication adviser Paul Soriano sa nasabing isyu bagaman hindi nagsasalita hinggil dito ang mister ng actress na si Toni Gonzaga.

Si Soriano ay pamangkin ni First Lady Liza Araneta Marcos at tumayong ninong at ninang ang first couple nang ikasal ito sa actress na si Gonzaga na naging program host sa lahat ng campaign rally ng pangulo noong panahon ng kampanya habang ang mister nito ang nagdirek naman sa ilang political ads.

Ipinaliwanag ng mambabatas na hindi dapat palagpasin na lamang ang usaping ito dahil hindi makatarungang gastusan ng P49 million ang isang promotional video na mula sa stock footage lamang at ang masaklap pa ay kinopya ito sa Indonesia, Thailand, Switzerland at Dubai.

“Any misuse or mismanagement of public funds should not be tolerated, especially given the pressing needs of the Filipino people in these challenging times,” ayon pa sa mambabatas na pinatutungkulan ang pagkakabaon ng bansa sa utang.

Base report ng Bureau of Treasury (BTr), umaabot na sa P14.1 trillion ang utang ng Pilipinas kung saan P1.2 trillion dito ay inutang ni Marcos sa kanyang unang 11 buwan sa Malacanang. (BERNARD TAGUINOD)

82

Related posts

Leave a Comment