Frontliners, health workers BIDA NGAYONG LABOR DAY

0

(BERNARD TAGUINOD)

KUNG mayroon mang dapat iluklok sa pedestal at bida ngayong Araw ng Paggawa, ito ay walang iba kundi ang mga frontliner lalo na ang medical health workers na itinataya ang kanilang kaligtasan sa gitna ng pandemya dulot ng COVID-19.

“This Labor day, we have the moral duty to honor our health workers,” ani Manila Rep. Manuel Luis Lopez kaya hiniling nito sa sambayanan na magbigay pugay sa health workers, kasama na ang ibang frontliners laban sa COVID-19 pandemic.

Nakita aniya ang kahalagahan ng mga ito nang magkaroon ng pandemya.

Mula Marso 2020 hanggang Marso 2021, umaabot sa 15,662 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19 kung saan 82 sa mga ito ay nasawi.

“The healthcare service has long been noted to be an honorable profession, but in the light of this pandemic we should also highlight and underscore its value and importance,” ayon pa sa mambabatas.

 

Bayaran lahat

Iginiit din ng mambabatas na dapat bayaran ang lahat ng health workers ng nagkaroon ng COVID-19 at huwag pahirapan ang mga ito sa pagkuha ng kompensasyon na nakapaloob sa Bayanihan 1 at 2.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos makarating sa kanyang tanggapan na mula sa 7,629 health workers na tinamaan ng COVID-19 at naghain ng claims sa Department of Health (DOH), 3,727 pa lamang ang nababayaran.

Umaabot naman umano sa 1,814 claims ang tinabla ng DOH dahil hindi umano kuwalipikado ang mga ito; 796 ang isinailalim pa sa evaluation, 99 ang para sa verification at 250 ang hindi kumpleto ang dokumento.

“Gusto ko po malaman bakit hindi nag-qualify yung halos dalawang libong health workers. Ito ba ay dahil hindi sila directly assigned sa COVID-19 ward or patients? Hindi po ba sapat na ikaw ay nagtatrabaho sa isang health facility sa panahon ng pandemya?,” tanong ni Lopez sa DOH.

Dapat aniyang suriin muli ang polisiya sa pagbibigay ng kompensasyon sa mga health worker na nagka-COVID-19 at pagaanin ang mga proseso upang hindi mahirapan ang mga ito.

Base sa batas, makatatanggap ng hazard pay at risk allowance ang mga medical frontliner at karagdang kompensasyon kapag nagkaroon ang mga ito ng COVID-19.

“Like our military and police forces, our healthcare workers have paid the price for fighting the COVID-19 virus – an unseen and most unforgiving foe – in blood, sweat, and tears. Now, we add our healthcare workers in the same sentence as our other traditional frontliners,” ayon pa sa mambabatas.

 

Special session

Kaugnay nito, bilang pagkilala sa kagitingan ng mga manggagawang Filipino, dapat magpatawag umano ng special session si Pangulong Rodrigo Duterte para aprubahan ang mga panukalang batas na makatutulong sa nasabing sektor.

Ginawa ni House deputy minority leader Carlos Zarate ang panawagan kay Duterte, isang araw bago ang paggunita sa Labor day ngayong araw.

“Our workers are hungry and in dire need and the government should provide aid for them,” ani Zarate kaya dapat maaprubahan aniya ang kanilang panukala na bigyan ng P10,000 ayuda ang pamilyang Filipino.

Bukod dito, nais din ni Zarate na matalakay agad ang kanilang panukalang dagdagan ng P100 ang minimum wage dahil bumaba umano ang halaga ng sahod ng mga ordinaryong manggagawa dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ayon sa mambabatas, trilyong piso na ang inutang ng gobyerno ni Duterte para labanan ang COVID-19 at tulungan ang mga apektadong manggagawa at mga negosyante kaya dapat mapagtibay aniya ang dalawang nabanggit na batas sa lalong madaling panahon.

This will not only help the workers, but could contribute as a multiplier effect on the economy and help small business every time the workers spend this amount for their daily needs. A hungry people and those in dire need could exacerbate the pandemic because people are forced to go out more often to look for income or food,” ayon pa sa mambabatas.

Sa Mayo 17 na ang balik ng mga mambabatas sa kanilang sesyon subalit kailangan na kailangan aniya ng mga manggagawa ang ayuda ng gobyerno kaya dapat maipasa agad ang mga nabanggit na panukala.

Dapat umanong gayahin ni Duterte ang Vietnam na kahit 2,865 COVID cases lang ang naitala sa nasabing bansa at wala pang tatlong dosena ang namatay ay binuhusan nila ng tulong ang kanilang manggagawa.

Sa katunayan umano, US$ 77 o katumbas ng P3,850 ang ibinibigay na ayuda ng Vietnam sa kanilang mga manggagawa buwan-buwan kasama na ang mga part-time worker.

“Actually, Pres. Duterte has the capacity to give subsidy to workers, small business, the farmers and other marginalized sectors considering the trillions of pesos he has borrowed using COVID as justification,’ banggit pa ng solon.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment