GABINETE NI BBM PATULOY NA SINASALA

PATULOY na sinasala ng UniTeam Transition team na pinamumunuan ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang mga posibleng itatalaga sa bagong gabinete.
Ito’y habang hinihintay na maiproklama si Marcos Jr. bago pa pormal na simulan ang transition o maayos na paglilipat ng kapangyarihan.
Ayon sa kampo ni Marcos Jr., walang minuto na dapat sayangin pero hindi dapat madaliin ang incoming president sa mga pinagpipilian niyang italaga sa puwesto.
“There is no denying, maraming nagpapahiwatig na gustong maglingkod but iba naman yung nag-volunteer ka o nagpahiwatig ka, iba rin naman yung you’re being seriously considered at iba rin naman na ikaw yung mapipili so marami talaga yung proseso and purposely we would like to withhold the names of those that are helping us with the vetting and searching para naman mainsulate din sila sa pressure,” ayon kay Rodriguez.
Muli namang itinatwa ng kampo ni Marcos ang kumakalat na listahan ng ‘di umano’y posibleng itatalaga sa gabinete.
“Nauunawaan ko naman ang iba, siguro may gustong isulong and would want to try and shape the … of Pres. elect Bongbong’s government, cabinet and administration but that trick will not work, wala hong ganung listahan,” ang pahayag ni Rodriguez.
May tinitingnan naman ang UniTeam Transition Team mula sa hanay ng mga katunggali o di kaya’y hindi kaalyado bagama’t wala pang pinal na desisyon.
“I am not yet at liberty to be disclosing.. it’s not just a campaign message, he really meant it, it’s coming from his heart, it’s time to unite and i think, walang mali doon dahil nakita natin yung boto ng 31 million Filipinos na naniniwala sila, sumang-ayon sila, yun na lang ang kulang eh para tayo makaahon eh,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment