(NI BERNARD TAGUINOD)
KAILANGAN umanong tumindig na ang mga Filipino, at tutulan ang laro ni Chinese President Xi Jinping na kontrolin ang mga pangunahing serbisyo publiko sa Pilipinas.
Panagawan ito ni Gabriela party-list Rep. Arlenes Brosas at gayahin umano ang ginawa ni Gat. Andres Bonifacio na tumindig laban sa mga Kastila upang ipaglaban ang bansa.
“We are currently under Xi’s games aimed at capturing our power, water and telecom sectors,” ani Brosas lalo na’t mistulang ipinamimigay din umano ng gobyerno ang teritoryo ng bansa sa China lalo na sa West Philippine Sea.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil hawak ng China ang 40% sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at kaya umano ng mga ito na kontrolin ang kuryente sa Pilipinas anumang oras na gustuhin nila.
Maliban dito, ang pagpayag ng gobyerno na makapasok sa communication industry sa Pilipinas sa pamamagitan Mislatel o Ditto Telecommunity na nakatakdang mag-operate umano sa susunod na taon at sektor ng tubig dahil sa itatayong Kaliwa Dam na poponondohan ng China.
“In short, hawak na tayong mga Pilipino sa leeg ng Tsina. It has the power to deny us of power and water supply if it wants to. This is a serious bastardization and outright reversal of what Bonifacio, Gabriela Silang and other freedom fighters fought for,” ayon pa kay Brosas.
“The greatest way to honor and remember Bonifacio is to reaffirm our commitment to fight foreign plunder of our resources and the complete erosion of our sovereignty by China and the US,” dagdag pa nito.
Ginunita ng bansa ang ika-156 kaarawan ni Bonifacio Day nitong Sabado , Nobyembre 30.
176