GABRIELA NAAALARMA SA ATENEO SEXUAL HARASSMENT CASE

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAGPAHAYAG ng pagkaalarma ang grupo ng mga kababaihan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa umano’y lumolobong kaso ng sexual harassment sa Ateneo de Manila University, sa Quezon City.

Sa panayam ng Saksi Ngayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, sinabi nito na nakikipag-ugnayan na ang kanilang grupo sa mga biktima ng sexual harassment sa nasabing unibersidad.

“Oo naman (naaalarma kami),” ani Brosas nang tanungin ang kanyang opinyon sa mga mga reklamo ng mga estudyante sa AdMU na biktima at na idinaan sa social media.

“Actually ang Gabriela Youth ay nakikipag-ugnayan para alamin ang mga cases,” ayon pa sa lady solon dahil hindi umano dapat ipagwalang bahala ang nasabing mga kaso sa nasabing unibersidad.

Dahil sa sexual harassment na nangyayari sa unibersidad na kinasasangkutan umano ng ilang opisyales ng institusyon, nagsagawa ng kilos protesta ang mga estudyante at faculty members noong Oktubre 15.

Sa statement naman ng Gabriela Youth, nagpahayag ang mga ito ng suporta sa kilos protesta ng mga estudyante dahil hindi nanahimik ang mga ito sa nangyayaring sexual harassment sa kanilang unibersidad.

“Gabriela Youth commends the students of the Ateneo de Manila University in mobilizing against sexual violence, acting decisively and instantly to break the silence that has long shrouded the university when it comes to sexual misconduct among its faculty,” ayon sa grupo na kabilang sa kinakatawan ni Brosas sa Kongreso.

Tungkulin anila ng panumunuan ng AdMU na proteksyunan sa anumang karahasan ang mga estudyante at parusahan ang mga mang-aabuso sa kanilang tungkulin at kapangyarihan.

“Academic institutions should do well to remember that its commitment to a safe campus must come hand-in-hand with addressing the sexual misconduct allegations among its abusive faculty,” ayon sa Gabriela Youth.

 

131

Related posts

Leave a Comment