Galvez pumiyok COVID VACCINES SA LGUs KAPOS

0

HUMINGI ng paumahin si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang local government units (LGUs) bunsod ng kakulangan ng suplay ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Tiniyak ni Galvez sa publiko na magiging normal ang sitwasyon sa Hunyo 14.

Ani Galvez, nagkaroon ng problema matapos magkaubusan ng suplay ng bakuna. Idagdag pa aniya ang demand para sa bakuna ay “high across the globe.”

Kamakailan ay sinabi ni Galvez na tinatayang may 10 milyong doses ang inaasahan na darating sa bansa ngayong buwan habang 11 milyon naman ang inaasahan na darating sa buwan ng Hulyo.

Gayunman, ang mga lalawigan sa labas ng National Capital Region Plus โ€” na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna ay prayoridad dahil sa mataas na COVID-19 cases.

Ani Galvez, may 60% ng bakuna na darating ngayong buwan ng Hunyo ang ibibigay sa mga lalawigan habang 40% ang inilaan para sa NCR Plus. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment