(NI ROSE PULGAR)
INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpapaluwal muna sila sa gagastusin sa pagpapadala ng balota para maipadala na sa mga Filipino na rehistradong overseas voters sa kanilang gagamitin para makaboto sa eleksyon.
Ito ay habang wala pang ibinibigay ang Commission on Elections (Comelec) na pondo para sa postage fees o para sa pagbili ng stamps at gastos sa pagpapadala ng balota sa koreyo.
Nabatid na naantala ang Comelec sa pagreremit sa DFA ng pondo para sa postage fees dahil sa natagalan na pagsasabatas ng 2019 national budget.
Tiniyak naman ng DFA na kumikilos ito at ang mga foreign service posts o ang mga embahada at konsulada para maipadala ang mga balota at makasiguro na walang overseas voters na mapagkakaitan ng kanilang karapatang bumoto.
Hinihikayat naman ng DFA ang hindi pa nakatatanggap ng balota ay makipag- ugnayan sa foreign service posts na mananatiing bukas ng Sabado o Linggo para sa mga overseas voters.
Ayon sa DFA, base sa batas, ang mga Filipino na kwalipikado bilang overseas voters ay maaaring bumoto sa konsulada at embahada o kaya ay padadalhan ng balota.
Tiniyak din ng DFA na magiging matiwasay ang election 2019 sa ibang bansa.
200