GCQ SA NCR PLUS MULA HUNYO 16

0

MALAKI ang posibilidad na bumaba sa general community quarantine (GCQ) with relaxed restrictions ang NCR Plus matapos ang Hunyo 15.

Ang basehan ani Presidential spokesperson Harry Roque ay ang bumubuting situwasyon ng COVID-19 sa lugar kabilang na ang “low” hospital care utilization rate.

“For Metro Manila, the numbers are looking good. The hospital care utilization remains very low, we’re at 53 percent in ICU beds which is isa sa mga importanteng factor for escalation,” ayon kay Sec. Roque.

“So I would say in fact that based on the figures, Metro Manila Plus might be looking at a deescalation. It might not be to MGCQ [modified GCQ] but it could be ordinary GCQ because ang GCQ natin ngayon ay meron pang mga restrictions,” dagdag na pahayag nito.

Ang NCR na kinabibilangan ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna ay nananatili sa ilalim ng GCQ with restrictions hanggang June 15.

Bago pa ito, ang NCR Plus ay sumailalim sa GCQ “with heightened restrictions” mula May 15 hanggang May 31 kung saan ang galaw ay limitado sa essential travel habang ang indoor dining services ay bumaba sa 20 percent capacity.

Ang mga establisimyento na mayroong leisure-like venues para sa mga meetings ay nauna nang pinagbawalang magbukas. (CHRISTIAN DALE)

o0o

PALASYON KUMPIYANSA
SA PAGBANGON NG EKONOMIYA

KUMPIYANSA ang Malakanyang na makababawi ang ekonomiya ng bansa sa taong ito.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, tatlong bagay ang kanilang pinanghahawakan para sa pagbawi.

Ito aniya ay ang pagkontrol sa virus para makapagbukas na ang mga negosyo, paggamit ng fiscal at monetary policies na umaabot hanggang 2.7 trillion at ang pagpapabilis ng pagbabakuna.

“At dahil nga po dito sa three-pronged strategy na ito ay tingin ko makakabawi tayo bagamat kagaya po ng sinabi ng World Bank, hindi siguro kasing bilis ng inaasahan natin noong ating plano dahil noong nagplano po tayo, hindi natin akalaing mag-e-ECQ tayo at MECQ tayo sa ganitong kahabang panahon,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, hindi na naman kinontra pa ng Malakanyang ang forecast ng World Bank na baka umabot lang sa 4.7% ang gross domestic product ng Pilipinas.

Ani Sec. Roque, hindi naman kasi inakalang mag-e-ECQ at MECQ ang pamahalaan sa ganitong kahabang panahon. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment