GCTA FOR SALE, TALAMAK – HONTIVEROS

faeldon44

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

PINUNA ni Senador Risa Hontiveros ang tinawag niyang special treatment sa implementasyon ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law na pumapabor sa iilan.

Ginawa ito ng senador kasabay ng kumpirmasyon na may hawak siyang listahan ng mga preso na mas karapat-dapat palayain dahil sa good conduct subalit hindi nabibigyang pansin.

Kabilang aniya sa talaan ang mga naging pastor, guro, gayundin ang ilang nakatatanda na walang naiulat na paglabag.

“GCTA for sale is rampant. Sanchez was favored for early release,” saad ni Hontiveros.

Kasabay nito, diretsahang tinanong ni Hontiveros si Faeldon kung kailan itong magre-resign.

“Kelan kayo magre-resign?” tanong ni Hontiveros na sinagot ni Faeldon na ipinauubaya niya ito sa appointing authority kasabay ng paggiit na naniniwala siyang ginagawa niya nang maayos ang kanyang trabaho.

 

136

Related posts

Leave a Comment