Gen. Cruz walang aksyon sa ilegalistang si ‘Kap. Biskotso’ ‘PAIHI’, JUETENG TALAMAK SA BATANGAS

0

SA kabila ng paulit-ulit na pagpuna hinggil sa petrol pilferage o paihi sa Batangas ay wala umanong aksyon ang pamunuan ni Region 4A chief B/Gen. Eliseo Cruz.

Ayon sa pagbubunyag ng isang ship captain, mistulang kalakaran na ang pagkakaroon ng petrol pilferage sa mga barko sa karagatan ng Batangas dahil sa kawalan ng aksyon ng mga awtoridad partikular si Gen. Cruz.

Sa pagtatanong ng SAKSI Ngayon, iniutos na umano ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar kay Gen. Cruz na imbestigahan ang katotohanan sa likod ng expose ng nasabing ship captain.

Ngunit marami ang nagtataka dahil tila hindi pa rin kumikilos si Gen. Cruz para matugunan ang mga reklamo.

Nabatid pa ng SAKSI Ngayon na isang ‘Kap. Biskutso’ ang gumagamit umano sa pangalan ni Gen. Cruz para magkaroon ng koneksyon sa mga sangkot sa buriki.

Base sa pagbubunyag ng ship captain, ang ‘tres musketeros’ na sina Arlon, Buloy at Ronald ang nagpapatakbo sa nakawan ng petrol products mula sa malawak na karagatan ng Batangas hanggang Visayas seas.

Ang tatlong musketeros na ito umano ang may protection sa kapulisan na regular na tumatanggap ng ‘lagay’ o bribe money sa sindikato, isa rito ang isang mataas na opisyal ng regional maritime police office.

Nabatid pa na hindi lang sa sindikato ng paihi at patulo pasok si Kap Biskotso dahil ginagamit din umano nito ang pangalan ni Gen. Cruz hanggang sa pangongolekta sa illegal vices.

Bukod dito, kilala rin umano si Kap Biskotso na hindi lang tong collector na ginagamit ng mga tiwaling police official kundi illegal gambling operator din dahil may rebisahan ito ng jueteng sa Brgy. 7, sa Poblacion Tanauan City.

Kabilang din sa kinokotahan ni Kap. Biskotso ang jueteng o bookies operator na sina Banog at Lito sa Malvar; Wally, Jun at Lito sa Sto. Tomas City; Timmy sa Mabini, Bauan at San Pascual; Zaldy at Bedung sa Taysan.

Sa Tanauan City, ang mga suki naman ay sina Anabel ng Pantay na Matanda, Bagsik ng Janopol, Benir, Angel, Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa; Tano, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Jr. Biscocho ng Brgy. 7 at Putuhan, Lito ng Brgy. 7 at Putuhan at Perez ng Poblacion.

Kasama rin sa iniikutan sina jueteng financiers Ocampo ng Brgy. Bagbag, Emil, Ramil, Aldrin, Terio, Angke at Ms. Lilian ng Brgy. Sambat, Lawin at Ms. Dona ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Tano at Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy. Ulango, pawang ng Tanauan City.

Sa Padre Garcia, ang jueteng operator na kinokolektahan ay sina Kap Tisoy at Kap Idol.

Sa Lipa City kung saan may pinakamaraming jueteng o STL bookies operator ay may lingguhang tara din si Kap Biskotso sa kinatatakutang “Big 4” na kinabibilangan nina alias Gary, Ms. Ana, alias Macoy Recto at Icaro, alias Lescano, na may kontrol naman sa koleksyon ng jueteng sa Brgy. Sabang at may 15 barangay kabilang din ang Poblacion, Lipa City.

Ang iba jueteng operator sa Lipa City ay sina alias Gary, alias Kap Zara, alias Kap Randy, alias Kap Fonti, alias Kap Gonzales, alias Kap Lacorte, alias Kap August, alias Ruben Sabedra, alias Lorenz, alias Neneng Dista, alias Vilma Tomboy, alias Liza, alias Linda, alias Hadjie at Aiza, alias Yema at limang iba pa, alias Kap Fernan, alias Meynard at alias Kapitana Wanita.

Bunga nito, marami ang nagtataka kung bakit walang aksyon ang liderato ng R4A police office laban kay Kap Biskotso.

Nagsisilbing hamon ngayon kay Gen. Cruz ang hulihin si Kap Biskotso at paimbestigahan ang mga kinasasangkutan nitong ilegalidad sa Batangas. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment