GENERALLY PEACEFUL

comelec pnp12

(NI NICK ECHEVARRIA)

NAGING  maayos at matiwasay sa pangkalahatan ang idinaos na 2019 midterm election  sa  Metro Manila, ayon sa assessment ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

Sinabi ni Eleazar na pinatunayan ng naganap na peaceful election ang mahaba at matiyaga nilang preparasyon at koordinasyon sa mga concerned agencies ng pamahalaan para lamang matiyak ang positibong resulta ng katatapos na eleksyon.

“No untoward incident reporterd and it’s peaceful so far. I think it is because of our coordination with the Commission on Elections (Comelec) and other concerned government agencies,” ayon kay Eleazar.

Sa ulat ng NCRPO hanggang alas-5:00 ng hapon nitong Lunes nasa 135 katao ang kanilang naaresto sa kasong vote buying sa magkakahiwalay na police operations sa kamaynilaan.

Sa nasabing bilang 60 ang nadakip mula sa Makati City, 54 sa Quezon City, 17 sa Muntinlupa, 3 sa Malabon at isa  sa Caloocan City habang nasa kabuuang P518,100 ang nakumpiskang halaga.

Mahaharap naman sa kasong paglabag sa  Section 261 (a) in relation to Section 262 ng Omnibus Election Code (Vote Buying and Vote Selling) ang mga nadakip na suspek.

Sa mahigpit na pagpapatupad  ng liquor ban, 403 ang mga lumabag na dinakip ng pulisya sa kabuuang 62 police operations na kanilang inilunsad.

Sa  mga naaresto 253 rito ang nadakip ng QCPD, sinundan ng SPD na may nahuling 47, pangatlo ang MPD sa kanilang 41 naaresto, 39 naman sa  NPD at 23 sa EPD.

 

415

Related posts

Leave a Comment