MARIING kinondena ng Department of Education (DepEd) ang paggamit sa kantang “Dakila Ka, Bayani Ka” sa online political promotion video.
Sa isang kalatas, sinabi ni DepEd Undersecretary for Administration Alaine Pascua na ang nasabing kanta ay orihinal na ginawa bilang tribute sa mga frontliners laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) subalit ginamit nang walang permiso o pahintulot para sa political video na sumusuporta kay presidential candidate Vice President Leni Robredo.
“While we respect the political choice of the medical personnel featured in the video, we are appalled that the people behind the production of the said video did not even practice due diligence in securing permission first from the artists who graciously lent their time and talent for the song,” ayon kay Pascua.
Ayon sa post, ang campaign video ay pinrodyus ng Robredo People’s Council Hope and Beyond Nueva Ecija, kasama ang mga miyembro ng Nueva Ecija Doctors for Leni for Free na nag-perform nito.
Ani Pascua, nakagagalit na ginagamit ang frontliners heroism para sa pulitika, iginiit nito na ang serbisyo ng mga frontliner ay para sa kapakanan ng publiko anoman ang political color ng bawat isa.
“The song itself emphasizes ‘anoman ang kulay nila, anoman ang paniniwala, nagkakaisa sa pagtulong sa kaligtasan ng iba,’ to recognize the setting aside of political colors and partisanship in their service to our people. That message and recognition was sadly and unfortunately bastardized by this political rendition,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, nagbabala naman si Pascua na gagawa sila ng legal na aksyon upang isalba at ilayo ang nasabing materyales mula sa partisan initiatives.
Samantala, ang kinukuwestiyong video na pinost noong Marso 24 ay inalis na matapos na magpalabas ng kanyang pahayag si Pascua.
Ang “Dakila Ka, Bayani Ka” ay nilikha ni Arnie Mendaros at inareglo ni Albert Tamayo. (CHRISTIAN DALE)
163